A Travellerspoint blog

Alive...alive...alive forevermore!!!

Chapter 3

[i]9:52am

Hay,hay,hay...nako!!!

Kundi lang sa makulit na si Mia at ang sidebet nitong si Francis... hindi ko na sana ipo-post itong mga ganitong pangyayari... dahil ung mga ganito, dapat ibinabaon na sa limot...huhuhuhu...

Kaya lang , dahil unfair daw... Cge na nga... post na natin...

Actually, di ko alam kung paano ko mag-start eh...

Hindi dahil sa ayaw ko...kaya lang, up to now, promise with a capital "P" hanggang ngayon di ko pa rin maala kung bakit sa dinami-dami ng kalaswaang magagawako...eh yun pa!!!.... ngiiii...kasi naman ayoko ngang maalala eh...

Ganito un...tinginingining.....

Kasi 'tong si mia, palibhasa kiriray... kahit di naman nya feel si Lordie, sinagot nya... In short naging mag-jowawers sila... palibhasa best friend ko.. so kung saan sya, nandun din ako and vice versa...

One time, wala na yata kaming klase non,(oist, di kami nag-cutting ha).. ewan kung bakit naman naisipan ng mga ungas na magpunta sa bahay nila Lordie sa Tandang Sora 'ata yun...

So, ang natuloy pumunta dun, si Lordie (syempre!) , Si Mia, ako at si Joel na rumored bf ni Cora..(kebs ko?) parang foursome lang db???

Ngayon, eto na... nasa bahay na kami nila Lordie... Ei ung nanay nya very accomodating at hanggang kwarto pinapasok kami... so, syempre,keme-keme...
maya-maya... may nag-aalive,alive...(alam mu kung ano un??? Wag na, bata ka pa!!) na sa may kama yata un.(Oist, maxado malaswa iniisip mu ha... kiss lang un) ..(di ko na ma-recall ung exact scenario eh....sori ha..

Ngayon, ewan ko ba kung ano nangyari...cguro nasiyahan kami sa napapanood namin... Mya-mya kami na ni Joel ang nag-aalive..alive...Hahaha... at..at..at..at.. nang kami ay matauhan....Bigla kaming napahiya..Xempre naman 'no!!!

Biglang naputol ang ginagawang kabalbalan ng magkabilang panig... Cut!!! wala lang, bitin... parang biglang nabuhusan ng malamig na tubig pare-pareho... muntik na(sayang..)..nandun na eh... magkakaron na ng L eh... (Ligaya!) e-elya na eh!!!

After that, xempre uwian na... from T.Sora to España, walang kibuan...Hehehe... Para lang mga tanga...pagkatapos maglaplapan... Akala mu may mga ketong at kung pwede lang wag magkatinginan...talagang gagawin...wag lang matawa sa katarantaduhan...

Pagkatapos nun, wala na... ni hindi nga man lang naging kami...(may panghihinayang???) Hehehe...

Pero ngayon, pag-naaalala namin ni Mia yung mga katarantaduhan namin...natatawa na lang kami... hindi dahil sa memories ek-ek ha... kasi hanggang ngayon tarantado pa rin kame...hehehe...

So, till next issue, mga repapips!!! Pinagbigyan ko lang yung kahilingan nung mga ungazzz!!! bye..bye..bye..

Posted by maricel 23.08.2008 17:00 Archived in USA Tagged bicycle Comments (0)

Chapter 2

parting time

overcast -17 °C

Heto nanaman poh uli tau... hehehe

Heto na, grumadweyt na ang mga ungazzz... Buti na lang, walang hindi naka-graduate sa min...Kahit naman kami ganito, talagang ganito na kami...walang pagbabago... Isa-isa nang nawawala... Si francis, nag-goodby papuntang Hawaii (wow...rich!),di man lang nagpa-despedida..tsk..tsk..tsk... kanya-kanya nang enrol sa college...

May nag-enroll sa CEU, TUP at kung saan-saan pang university! ( sus, feeling makakatapos!!!) Meron din namang mga naka-graduate ng college... sa awa ng dyos.. nagsunog ng kilay..(buti na lang kilay ang sinunog at hindi ang bahay) at meron din namang nagkaroon ng trophy...ako un... kasi naman, maaga akong dinala sa kamunduhan ng jowa ko... kaya aun, 5 na trophy ko ngaun...marami man akong regrets sa buhay...ok lang.. happy (talaga lang ha!!!) naman ako sa lyf ko ngaun..(happy nga ba?) hehehe.... Some of us naman, so far succesful naman sa kanilang mga carrer...(Uy, successful???? Sino???)

Si Ahmie, naka-graduate ng Pharmacy at ngaun isa na sa pedestal ng UST...dun namulat at balak yata ng lola mu, dun na rin magpakatanda...Malamang, gusto maging stockholder ng UST lola mu...hehehe...

Si Sally, naka-graduate din... At ngaun??? Isa na syang Dakilang Maybahay ni Engr.Elmer...O, laban ka??? business office Admin pa yan ha! Di na lang Home Economics ang kinuha... Pero, wag ka... rich naman lola mu... san ka nakakita, kusina lang nya ang SM San Lazaro??? Cge nga???

Si Jojo... aun..nagbarko...Tiktik-kalawang yata ang trabaho nun sa barko... E, ano naman ngaun??? At least barko... In short, SEAMAN-durugas...hehehe..
O, db mapera?? At wag ismolin ang lolo mu...pag bumaba ng barko yan, isang sakong pera dala nyan... At mega- patawag pa yan sa min para lang gumola kami kung saan-saan.. Syempre, night out ang gimik ng mga abnoy... Ratsky, Clowns..kung saan dalhin kami ng sasakyan ni Taks... syempre, kelangan may car-laloo kami...kasi magmumukha kaming hampas-lupa pag commute lang...db??

Si Taks, di ko alam kung naka-graduate, wala kaming balita... di man siguro xa naka-graduate, maglulupa naman ang lolo mu! (Kasi sa real estate ang trabaho nya,hehehe) At, sa min, xa lang ang masasabi mung nakapagpundar ng sasakyan... Kaya naman di xa pwede mawala pag may lakad ang tropa.. Ay, mali.. mawala na xa, wag lang sasakyan nya...JOKE!

Si Mia, ito malufet... Biro mu tuwing enrollment laging buntis!!! Pero wag ka... kahit ganun yan.. naka-graduate yan.. Wag mung matahin ang lola mu..kasi nag-masteral pa yan... tindi 'no??? at..... tanungin mu kung san yan nag-wowork ngayun... sa CALL CENTER!!! Talagang nai-apply nya ang pinag-aralan nya! (ang gulo 'noh???) Anong connect??? Ewan...

Si Francis naman....Wazzzup men! amboy 'toh.... biruin moh, ni sa panaginip di namin inisip na makikita pa namin 'tong kolokoy na toh! Aba, ikaw ba naman ang makatapos grumadweyt at biglang mawala sa sirkulasyon....di namin alam kung san namin hahanapin....buti na lang may friendster... laking pasalamat namin... kundi, ai nako... mantakin mu ba naman, biglang lumipad papuntang Hawaii, imposible namang sundan si Marcos... pero ang alam ko...kahit nasa Hawaii na sya nun e nakikipag-commu pa sya kay Mia...un nga lang natigil for some jealous reasons...hehehe on Mia's part.... After that, no news about this AB-normal, dude!!!(syempre kelangan english!)

At ako??? Wag mu nang alamin... walang kabilang-bilang ang kwento ko... Nag-enrol ako sa PUP, taz dun kami nagkita-kita nila Petot(Christopher Chancaco) , Nicasio "Jun" Avila(sumalangit nawa ang kaluluwa nya!) at leo... aun, sumali sa LFS, naging "bakti" (short for aktibista) na walang matinong gawin kundi makipaghabulan sa mga parak twing may mob(rally ibg sabihin nun, tanga!) takbo dito, takbo dun... walang sinabi sa kin nun si lydia de vega... pucha, ako pa ba ang magpahuli sa pulis??? ****na nila...after that, nawindang lola mu... lumipat sa PMI...(balak din yata mag-barko!) Hinde..... Kasi, style ko lang yun...kasi naman ang skul ni papa sam e malapit lang sa PMI...syempre, para laging nagkikita kelangan mag-exert ng effort sa pag transfer...di ba??? (Wag umangal!!!) kaya ayun.... ang ending...napa-aga ang pag-aalaga ng bata....uha...uha...uha...

stop muna tayo... para ma-excite ulit kayo...till next issue!! (lol! feeling writer lang sa magz....hehehe)

Posted by maricel 16.08.2008 10:04 Archived in Philippines Tagged boating Comments (0)

FunNy fRiEnDs

-the creation_

sunny

Taon : Dekada '80
Fourth Year-Hope
Lugar : Mataas na paaralang RAMON MAGSAYSAY (España, Manila)
Panahon: Di Malaman... kahit ano na lang!...
Pangyayari: Isinilang ang................FuNnY fRiEnDs!!!!

Tauhan:

Aida Cabiles a.k.a. -Maricel C. Jamito ------------ President

Mia Conchita B. Fuego a.k.a.- Mia Conchita Alinsub / Mia Conchita F. Santiago
Rosalie Baybayan a.k.a- Rosalie "Sally" Naluz
Amapola Enriquez a.k.a- Amapola"Ahmie" Nuñez

George Carillo a.k.a - "Jojo" Carillo
Enrico Anastacio a.k.a - "Taks" Anastacio
Francis Santiago a.k.a.- "Jhun-jhun/Nuhj-nuhj Santiago
Ronnie Santos a.k.a - "FPJ" (up to now, di malaman kung sumalangit na rin!)
Alexander Layco a.k.a - "KC" Kabayong Cute/ nowhere to be found!!!
Arnel Posadas a.k.a. -Tsak!Tsak
Simula:

Mainit ang panahon...Uso pa ng New Wave, Lunch Date at Fiesta Carnival.... ang lahat ng mga teacher sa monsay, maiinit din ang ulo...Bakit kamo????? Wala lang, type nila eh....jok-jok-jok!!!!

Dahil sobrang kulit ng mga bida natin at walang patumanggang kadaldalan ng mga babaeng itech, [/i]na halos umabot ns sa kisame ang buhok, dahil sa taas ng pagkaka-tis[i] ( sabi nga ni Mrs. Cualteros a.k.a. "que barbaridad")

At ang mga lalaki!, halos sumayad na sa lupa ang bangs! tulad na lang ni Carillo..

Ganyan kung magalit ang mga teacher namin sa amin noon....

Kaya lang, kahit anong galit ng mga teacher... Kebs lang yan sa mga abnormal na 'to... tinatawanan lang nila...at, nang-aasar pa!!

Sa ganitong kagaguhan nabuo ang aming samahan..(San Miguel bah 'toh???)

Kulitan, tawanan, asaran, at mewon shemple ligawan!!! Hehehe...

Kahit naman mga abnormal kami.... may laman naman mga kukote namin... kaya nga si Taks at Jojo bumagsak sa NCEE eh...he..he..he..'peace dode!

Wala kamimg ginawa nun kundi mamasyal... manood ng lunch date..(baduy!!!)..mag-swimming sa bato-bato... at kung anik-anik pa... pero,pero,pero.... pagdating naman ng exam at extra curricular activities...jan naman kami active... Sabayang Bigkas...nag THIRD place kami..gaya na lang ni Mia, imagine matanda na gymnast pa rin...at lalo naman si Ahmie, san ka nakakita may puti na ang buhok... Girl Scout pa rin!...hehehe.. ultimo nga pati yung Contest para sa environment...sinalihan namin...as i remember, ang kinanta pa namin nun ung "Kapaligiran" ng Asin...YUUUUKKKKKIIII!!!!! (kung nakikita lang tau ng mga anak-anak natin...malamang mawawala ang respeto sa tin... but anyways,sideways,highways,...that's part of our life... part yan ng kamusmusan... ung mga panahong may mga gatas pa sa labi...(eeewww!!!) nung mga panahong may indecent proposal si girlie kay jojo at gusto pa ng hitad na mag-joint account sila...Lufet! nang mga panahong si Francis ay suma-sidebet kay Sally... at ito namang si Sally, pakipot pa kuno...hihihi...un pala sumisimple ng pagsisimba sa UST!..AT wala ka naman kay Mia, patulay-tulay pa kunwari....hehehe..ayun, natulay tuloy!!!! Samantalang si Arnel, na dead na dead sa kanya ,deadma lang...kasi mukhang bangkay eh...at kasi pa rin..bf naman kasi ni Mia by that time si Lordie... kaya..di nya pinapansin ang mga nahuhumaling sa kanya...taray!!!! may ganun????

Mabilis lumipas ang panahon, may mga nawala... nag-asawa...ang iba naman, may mga career na...ehek mali!!! may kinakarir na... Biro nyo, si Ronnie , matagal na naming pina-blotter, hanggang sa Dog Impound, hinahanap namin... pero nanatili kaming bigo...bigo...oh..oh..hu..hu..hu.. kahit naman kasi ganun yun at mukhang walang kabuhay-buhay...(kasi mukhang bangkay).. .si Arnel di naman alam kung tumaba na ba...lalo naman si Alex...ipinahanap pa namin sa may kapangyariahn....baka kasi holdapaer na ngayon...o kaya, to the highest level....Drug lord...hehehe...di din namin sila makita...huhuhuu...

OOOOooooopppppssssss.... todits na lang muna...uwian na eh...bye..bye

dont wori...balak ko nga i-post ung pics natin nung graduation o kaya, ung pics natin sa year book...hehehe

Posted by maricel 13.08.2008 20:21 Archived in Philippines Tagged animal Comments (0)

(Entries 1 - 3 of 3) Page [1]