A Travellerspoint blog

FunNy fRiEnDs

-the creation_

sunny

Taon : Dekada '80
Fourth Year-Hope
Lugar : Mataas na paaralang RAMON MAGSAYSAY (España, Manila)
Panahon: Di Malaman... kahit ano na lang!...
Pangyayari: Isinilang ang................FuNnY fRiEnDs!!!!

Tauhan:

Aida Cabiles a.k.a. -Maricel C. Jamito ------------ President

Mia Conchita B. Fuego a.k.a.- Mia Conchita Alinsub / Mia Conchita F. Santiago
Rosalie Baybayan a.k.a- Rosalie "Sally" Naluz
Amapola Enriquez a.k.a- Amapola"Ahmie" Nuñez

George Carillo a.k.a - "Jojo" Carillo
Enrico Anastacio a.k.a - "Taks" Anastacio
Francis Santiago a.k.a.- "Jhun-jhun/Nuhj-nuhj Santiago
Ronnie Santos a.k.a - "FPJ" (up to now, di malaman kung sumalangit na rin!)
Alexander Layco a.k.a - "KC" Kabayong Cute/ nowhere to be found!!!
Arnel Posadas a.k.a. -Tsak!Tsak
Simula:

Mainit ang panahon...Uso pa ng New Wave, Lunch Date at Fiesta Carnival.... ang lahat ng mga teacher sa monsay, maiinit din ang ulo...Bakit kamo????? Wala lang, type nila eh....jok-jok-jok!!!!

Dahil sobrang kulit ng mga bida natin at walang patumanggang kadaldalan ng mga babaeng itech, [/i]na halos umabot ns sa kisame ang buhok, dahil sa taas ng pagkaka-tis[i] ( sabi nga ni Mrs. Cualteros a.k.a. "que barbaridad")

At ang mga lalaki!, halos sumayad na sa lupa ang bangs! tulad na lang ni Carillo..

Ganyan kung magalit ang mga teacher namin sa amin noon....

Kaya lang, kahit anong galit ng mga teacher... Kebs lang yan sa mga abnormal na 'to... tinatawanan lang nila...at, nang-aasar pa!!

Sa ganitong kagaguhan nabuo ang aming samahan..(San Miguel bah 'toh???)

Kulitan, tawanan, asaran, at mewon shemple ligawan!!! Hehehe...

Kahit naman mga abnormal kami.... may laman naman mga kukote namin... kaya nga si Taks at Jojo bumagsak sa NCEE eh...he..he..he..'peace dode!

Wala kamimg ginawa nun kundi mamasyal... manood ng lunch date..(baduy!!!)..mag-swimming sa bato-bato... at kung anik-anik pa... pero,pero,pero.... pagdating naman ng exam at extra curricular activities...jan naman kami active... Sabayang Bigkas...nag THIRD place kami..gaya na lang ni Mia, imagine matanda na gymnast pa rin...at lalo naman si Ahmie, san ka nakakita may puti na ang buhok... Girl Scout pa rin!...hehehe.. ultimo nga pati yung Contest para sa environment...sinalihan namin...as i remember, ang kinanta pa namin nun ung "Kapaligiran" ng Asin...YUUUUKKKKKIIII!!!!! (kung nakikita lang tau ng mga anak-anak natin...malamang mawawala ang respeto sa tin... but anyways,sideways,highways,...that's part of our life... part yan ng kamusmusan... ung mga panahong may mga gatas pa sa labi...(eeewww!!!) nung mga panahong may indecent proposal si girlie kay jojo at gusto pa ng hitad na mag-joint account sila...Lufet! nang mga panahong si Francis ay suma-sidebet kay Sally... at ito namang si Sally, pakipot pa kuno...hihihi...un pala sumisimple ng pagsisimba sa UST!..AT wala ka naman kay Mia, patulay-tulay pa kunwari....hehehe..ayun, natulay tuloy!!!! Samantalang si Arnel, na dead na dead sa kanya ,deadma lang...kasi mukhang bangkay eh...at kasi pa rin..bf naman kasi ni Mia by that time si Lordie... kaya..di nya pinapansin ang mga nahuhumaling sa kanya...taray!!!! may ganun????

Mabilis lumipas ang panahon, may mga nawala... nag-asawa...ang iba naman, may mga career na...ehek mali!!! may kinakarir na... Biro nyo, si Ronnie , matagal na naming pina-blotter, hanggang sa Dog Impound, hinahanap namin... pero nanatili kaming bigo...bigo...oh..oh..hu..hu..hu.. kahit naman kasi ganun yun at mukhang walang kabuhay-buhay...(kasi mukhang bangkay).. .si Arnel di naman alam kung tumaba na ba...lalo naman si Alex...ipinahanap pa namin sa may kapangyariahn....baka kasi holdapaer na ngayon...o kaya, to the highest level....Drug lord...hehehe...di din namin sila makita...huhuhuu...

OOOOooooopppppssssss.... todits na lang muna...uwian na eh...bye..bye

dont wori...balak ko nga i-post ung pics natin nung graduation o kaya, ung pics natin sa year book...hehehe

Posted by maricel 20:21 Archived in Philippines Tagged animal

Email this entryFacebookStumbleUponRedditDel.icio.usIloho

Table of contents

Be the first to comment on this entry.

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint